
Elmo kasi eh! Ang bagal mo! #chos!
*ctto
Hahahaha nice :))
Elmo Magalona and Sam Conception up for their break interview from the Teen Mag Cover Photo shoot.
Sila kasi ang napiling magcover para sa nasabing magazine. Patapos na ang pag i-interview sa kanila at nag uusap-usap nalang sila kasama ang interviewer ng biglang may dumating. Napangiti dito sina Sam at Elmo.
“Ay wow Julie Anne kamusta? May photo shoot ka din ba dito?” Pagbati ng interviewer kay Julie.
“Ha? Eh wala po. Binisita ko lang po kasi si Elmo” Sabay tingin kay Elmo na tumayong nakangiti at lumapit sa kanya para mag beso-beso. Nagkatinginan silang dalawa habang wagas ang pagngingiti sa isa’t isa. Makikita talaga sa mga mata ng binata kung gaano ito kaproud at happy sa kanyang girlfriend at kung gaano nito na appreciate ang pagbisita sa kanya.
Sumunod si Sam kay Elmo para batiin na din ang kaibigang si Julie. “Juls! wow supportive? Haha” Biro nito sa dalaga na nagbeso-beso din sa kanya.
“Oi Sam! Haha di naman! Medyo lang Hahaha” Sagot niya kay Sam na umupo na ulit sa sofa kasabay ni Elmo para tapusin ang kanilang interview.
“Ang sweet talaga ni Julie” Sabi ng interviewer na nakangiti kay Julie. Sinuklian din naman niya ito ng matamis na ngiti habang paupo sa isang sell office chair ng photo shoot studio.
Hinarap na ulit ng interviewer ang dalawang binata para tapusin ang interview ng may bigla itong na alala.
“Ay nga pala Julie! Sam! May mga followers kasi ako na mga fans niyong dalawa eh at nung nag interview ako sa inyo sa Pinoy Mag nakalimutan kong kunan kayo ng picture. Nagpromise kasi ako nun sa kanila. Eh nung nakalimutan ko, sabi ko next time nlang! So pwde bang kunan ko kayo ng picture ngayon?” Huminto sa pagsasalita ang interviewer at tumingin kay Elmo na nakakunot ang noo.
“Hindi naman siguro ikakaselos ni Elmo diba?” Pabirong tanong ng interviewer kay Julie na tumawa nalang at lumapit kay Sam.
“ Okay lang po, picture lang naman eh” Sagot ni Julie na natatawa parin.
Tatayo na sana si Elmo para ibigay kay Julie ang inu-upuan ng nagpwesto ang dalaga sa left arm ng sofa katabi ni Sam at hinawakan ang dalawang balikat ng binata sabay ngiti sa camera.
(Ito para maimagine niyo hahaha Sorry kung di perfect! Wala lang kasing magawa haha)

Elmo’s POV
Anu ba klaseng interviewer ‘to? May nobyo yung tao tas ipapa-picture pa sa iba? At medyo nasa tabi yata yung boyfriend noh? Haaaiii asar!
“Yoowwnn isa pa! Isa pa!” Sabi ng interviewer habang nag e-enjoy sa pagkuha ng pictures.
Huh at isa pa daw? SamLie fan yata to eh! Badtrip ‘tong interviewer eh!
Tumingin si Elmo kay Sam na wagas ang ngiti sa camera.
Tignan mo nga naman! Sine-suwerte ‘to ah! Sige e-enjoy mong mabuti ang girlfriend ko sa pagpapapicture! Sira na talaga araw ko!
“Ay talagang matutuwa ang mga fans niyo dito” Natutuwang pagsabi ng interviewer.
Mas matutuwa sila pag picture namin ni Julie ang ipapakita mo!
Hindi na napansin ni Elmo na nakatingin na pala si Julie sa kanya at mukang binabasa yung isipan niya. Biglang bumalik si Elmo sa sarili at ngumiti nalang sa kasintahan.
Natapos na ang interview at photo shoot ng dalawa. Nauna na sa pag alis sina Sam at ang interviewer kasama ng iba pang mga kasamahan nila sa photo shoot. Kunti nalang ang naiwan sa studio ng nagpasya sila Elmo at Julie na umalis na din.
Kanina pa napapansin ni Julie na nawala yung mood ni Elmo simula ng nagpa-picture siya kasama ni Sam.
Julie’s POV
Nagseselos yata to eh! Haaiiii malambing nga!
Palabas na sila ni Elmo sa building at nauuna ito sa paglalakad na hindi man lang kinakausap si Julie.
“Hep hep hep! Ang suplado mo yata ngayon eh!” Hinawakan ni Julie ang braso ni Elmo para pigilan ito sa paglalakad. Seryosong tumingin sa kanya si Elmo.
“Nagseselos ka no?” Tanong nito sa nobyong nakasimangot lang at inilayo pa ang tingin mula sa kanya.
“Bebe ko?? Look at me” Pinaharap niya ito sa kanya gamit ang right index finger niya na humawak sa kaliwang pisngi ni Elmo.
(Ito oh ayeeeeeeeeee hahaha as you can see, wala ng mic kasi sadyang adik lang talaga ako ^_^)

“It was just a picture. At kahit babaha pa ng pictures ko with some other guy ang paligid, isang picture lang talaga yung nasa puso’t isipan ko. Alam mo kung kaninong picture yun?”
“Picture ko?” Madaling pagsagot ni Elmo na medyo nakangiti na
*Pak*
“Aray! Sumasagot lang yung tao sa tanong mo eh” Sabay himas sa ulo niya na tinamaan ng hampas ni Julie
“Eh kasi mali yung sagot mo! Sobra ka kasing feeler eh” Hinawakan ulit ni Julie ang magkabilang pisngi ni Elmo “Picture nating dalawa! Ayaw ko ng ikaw lang! Para naman gumanda yung picture! Pangit kasi pag ikaw lang eh” Sabay ngiti ng nakakaloko.
Tumawa na si Elmo sa sinabi ni Julie. Agad-agad din niya itong niyakap ng napakahigpit
“I missed you bebe ko. Sorry di na mauulit” Sabay paghalik nito sa noo ng dalaga.
“I missed you too! Pero wala ka munang super kiss! Pasaway ka kasi eh” At muli na itong naglakad palabas ng building.
Tinignan lang siya ni Elmo na suot-suot ang ngiting hanggang tenga sa mukha “Ikaw na talaga Julie, ikaw na at wala ng iba” mahinang sinabi nito sa sarili at sumunod na din sa kasintahan.
END :)
Hello readers! This is my first time to write a very short story about Julie and Elmo. Or matatawag ba na story to? Parang isang scene lang nga to sa mga FF eh haha. Anyway I didn’t really plan to write one kaso I was editing these two pictures and I decided to create a story for it :D so there it goes! Gumawa ako ng simpleng situation na makakatugma sa mga pictures which I’m not sure if you guys liked it! Hahaha Wala lang kasi talagang magawa! But for those who read it and liked it thank you so so so much! Na inspire lang kasi ako sa mga pinagbabasa kong FFs! Ayeeee hahaha hanggang sa muli mga kaibigan! Choss! Spread the JuliElmo love guys! ^_^